203 International Peer Reviewed Journal ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masukat at mabigyang halaga ang gamit ng ekspresyon ng wikang adbertaysment at pagtangkilik sa produkto. Isang deskriptibong pamamaraan ang gamit sa pananaliksik na ito gamit ang kwalitatibong disenyo sa pagkalap ng datos. Pamamaraang purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok.May isang daan at dalawampung (250) mga mag-aaral mula sa Universidad de Zamboanga, Western Mindanao State University, Southern City Colleges, at Zamboanga State College of Marine Science and Technology . Isang sarbey kwestyoner ang ginamit bilang instrumento sa paglilikom ng datos.Sa pagsusuri ng mga datos na nalikom ay ginamit ang frequency count, percentage at mean bilang istatistikal na kagamitan. Mula sa pagtutuos na isinagawa, natuklasang may limang produktong higit na tinatangkilik ng mga mag-aaral. Ang Safeguard bath soap, Colgate toothpaste, Maggie noodles, Biogesic tablet at Clear shampoo.Ang mga ekspresyong nangunguna bilang pinakaepektibo at malinaw ang mga sumusunod: “pamproteksyon ng balat, pamproteksyon ng balat, pamproteksyon ng mabahong amoy, excellence sa proteksyon sa balat, strengthens hair to reduce breakage at hair fall defense. Kapansin-pansin sa mga ekspresyon ng wikang ginagamit sa adbertaysment ng mga tinatangkilik na produkto ayon sa pagiging kapani-paniwalang sinabi Vol. 29 · July 2017 Print ISSN 2012-3981 • Online ISSN 2244-0445 DOI: https://doi.org/10.7719/jpair.v29i1.524 Journal Impact: H Index = 3 from Publish or Perish JPAIR Multidisciplinary Research is produced by PAIR, an ISO 9001:2008 QMS certified by AJA Registrars, Inc. Gamiting Ekspresyon ng Wikang Adbertaysment at Pagtangkilik sa Produkto NECITA B. TAYONG necitatayong8@gmail.com Zamboanga City State Polytechnic College RT Lim Boulivard Baliwasan Zamboanga City 204 JPAIR Multidisciplinary Research tungkol sa produktong iniindorso at ipinahahatid na nagunguna pa rin ang ekspresyong ‘pamproteksyon sa mabahong amoy” pumapangalawa ang “pamproteksyon ng balat” pangatlo ang “excellence sa proteksyon sa balat “pang- apat ay ang produktong “strengthens hair to reduce breakage” at panlima ang “hair fall defense.” Susing Salita: adbertaysment, ekspresyon , impormasyon, produkto ABSTRACT This study aimed to measure and appreciate the use of the expression of language and product support. A descriptive approach was utilized. There are two-hundred fifty (250) students from Universities de Zamboanga, Western Mindanao State University, Southern City Colleges, and Zamboanga State College of Marine Science and Technology. A questionnaire survey was used as a data gathering instrument. Data collection tests used frequency counts, percentages and meanings as statistical equipment. From the computation done, the students found five more products: Safeguard bath soap, Colgate toothpaste, Maggie noodles, Biogesic tablets and Clear shampoo. The expressions lead the most effective and clear the following: “skin protection, scent protection, excellence in skin protection, strengthens hair to reduce breakage and hair fall defense. It is noteworthy in the expressions of the language used in the advertricted products of the product according to the credibility of the product endorsed and delivered the ‘scent protection’ effect is on top, second is “skin protection”, third is “Excellence in skin protection”, fourth is the product “strengthens hair to reduce breakage” and the fifth is “hair fall defense.” Keywords— Advertisement, expression, information, product, descriptive design, Philippines INTRODUKSYON Ano ang advertaysing? Ito ay pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa isang idea, serbisyo, o produkto sa layuning mapakilos ang pinag-uukulan ayon sa gusto ng nagpapaadbertays o nagpapaanunsyo. Nakaabot ang mga adbertaysment hanggang sa kasuluk- sulukan ng bansa. Alinmang lugar na nararating ng dyaryo, telebisyon o radyo ay tiyak na may nakikilalang pamilyar na “komersyal” ang itatawag sa mga adbertaysment naman na gagamiting pangkalahatang tawag sa 205 International Peer Reviewed Journal kapwa print at brodkast advertaysing. Ang adbertaysing ay isa sa pinakamalakas makatawag pansin ng madla na mabisa sa halos lahat ng angulo ng pamumuhay ng mga tao, maging mayaman man o mahirap. Hindi lang ito mapwersang instrumento ng sangkatauhan kundi nagsasaad ng mga aspetong pang-kultural at makamundong paninindigan na sinasabing isang maling istraktura.Ayon sa isang tanyag na makata na si Indiya Kalidas (1999) ang mga salitang ginagamit sa tamang pamamaraan at kahali-halinang kilos ay tiyak na tinatanggap ginagamit ng sangkatauhan. Nangangahulugan lamang na ang pagbibigay halaga sa wika ay ang pangkalahatang obligasyon ng sino pa man sa paggamit ng makataong pahatiran, maging ito man ay sa pakikipagsulatan o pakikipagbalitaan. Ito’y hindi lamang totoo sa lengwahe o wikang ginagamit sa pansariling katangian sa impormal na antas, kundi pati sa larangang pang-edukasyon, administrasyon, pangkomersyo at pangmasang komunikasyon. Ayon naman kay Chunawalla (1985) ang adbertaysing o anunsyong pampubliko ay bahagi na ng lahat ng klase ng negosyo, hindi lang sa Pilipinas kundi ng buong mundo. Sa panahon ng makabagong larangan, lalo na sa bilis ng panahong panteknolohiya, ang pangmasang komunikasyon ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng isang matiwasay, makabuluhan at maginhawang sibilisasyon. Ito’y maisasakatuparan sa pamamagitan ng madaliang at kapani-paniwalang impormasyon naibibigay ng isang adbertaysment maging ano mang aspeto ng pakikibaka sa buhay pampulitiko, pang-ekonomihiya, pansosyo-kultural at maging panrelihiyon.Sinasabi rin ni Handoo (1998) datapwat ang isang anunsyo ay nagbibigay ng malakas na negatibong impluwensya sa media, lalo na sa mga kabataan, hindi pa rin maialis na ito’y bahagi na rin sa pang -araw- araw na pakikihalubilo ng mga tao sa madla. Sa ganitong katangian, ang pangmasang komunikasyon o “ mass media “ ay mga impormasyon at anunsyong pampubliko na ang layunin ay makapagbigay ng kaakit-akit na konseptong itinataguyod o inihahatid sa madla sa pamamagitan ng diyaryo, radyo o telebisyon.Dagdag pa niya inaasahan na tumpak, makabuluhan at makatotohanan ang mga pinagsasabi sa produktong iniindorso ng isang ahensyang nag-iindorso ng produkto. Matatanto na hindi lang impormasyon ang binibigyang diin sa isang anunsyong ginagawa kundi ang lalong mahikayat ang mga taong makinig, magbasa o manood sa kapani-paniwalang tuntunin ng isang adbertaysment. Dati, purong Ingles ang lenggwahe ng adbertaysment sa Pilipinas. Ngunit mula nang pumasok ang dekada ’70 parami na nang parami ang mga ad at komersyal na gumagamit ng wikang Filipino sa alinmang bahagi o sa kabuuan nito. Ano ang dahilan sa dumaraming adbertaysment na pinag-ukulan nitong target audience 206 JPAIR Multidisciplinary Research gayon din sa image ng produkto na ibig likhain? Sa gayon, mapapakilos ang publiko ayon sa gusto ng advertaysing agency: bilhin o tangkilikin ang kanilang produkto/ idea serbisyo (Batnag 1975) Sa mga nabanggit, ang paggamit ng wikang pang anunsyo ay mananatiling isang malakas na puwersa o salik, o kaya nama’y isang ma-impluwensyang salik na nakakatawag pansin sa isang masiyasat na pag-aaral. Dahil dito, ang mananaliksik, ay naniniwalang ang riserts na ito’y napapanahon . Datapwat maselan ang paggamit ng wikang Chavacano at Filipino sa mga adbertaysment mismo sa Zamboanga ay mamarapatin na lang suriin ang ang mga ekspresyong gamit na panghihimok sa ano mang lenggwahe o wika. Layunin ng pag-aaral na ito ang suriin at tayahin ang mapanghikayat o mapang-enganyong mga ekpresyon gamit sa adbertaysment. Batay sa layuning inilahad, inaasahang masasagot ang mga katanungang sumusunod: 1. Anu–ano ang limang produktong tinatangkilik ng mga kalahok mula apat na paaralan ; Universidad de Zamboanga, Western Mindanao State University, Southern City Colleges, at Zamboanga State College of Marines and Science Technology 2. Anu-ano ang mga gamiting ekspresyon ng wikang adbertaysment sa tinatangkilik na mga produkto ayon sa; Epektibong ekspresyong panghikayat , malinaw ang paglalarawan sa produktong iniindorso, kaakit-akit (malakas ang paghikayat o pang –eengganyo sa madla , kapani-paniwala ang sinasabi tungkol produktong iniindorso. 3. Alin sa mga ekspresyonmga mamimili? METODOLOHIYA Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang pamaraan na ginamit sa pag-aaral. Ang disenyo ng pananaliksik gayon din ang pagpili ng mga kalahok o mga respondents , pagbubuo ng instrumento , ang paraan ng paglilikom ng datos batay sa mga tanong na kasaad sa pag-aaral,at ang pagtutuos –mit upang mabigyan interpretasyon ang mga nakalap na datos. Paraang kwalitatibo – kwantitatibong ang ur4inng pananaliksik. Ginamit ang na disenyong deskriptibo sa pag-aaral na ito. Ito ay ang pinaka karaniwang paraan ng pananaliksik na may sarbey kwestyoneyr. Ang mga respondents ay mga mag-aaral sa antas tersyarya. Binigyan ng tseklist kwetyoney r ang mga respondents batay sa kung anong ekspresyon ng produkto ang kanilang tinatangkilik. 207 International Peer Reviewed Journal Purposive sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili dalawapong daan (250) ang mga respondents, mula sa apat na paaralan , dahil layunin na makuha ang mga datos mula sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo. RESULTA NG PAG-AARAL Mapapansin na sa mga produktong inaadbertays ay mas higit na tinatangkilik ang mga produktong may kaugnayan sa pangangalaga ng katawan sa kalusugan at mga produktong palaging nang naririnig sa mga adbertaysment sa radio, telebisyon na sumasang- ayon sa pag-aaral ni Arens (1992) nanagsasabing ang adbertaysment ay isang anunsyo o pakikipagtalastasan na nagbibigay informasyon sa madla. Ito ay nababagay sa mga manonood o mamimili, mapalokal man o pandaigdigan (sa radio at telebesyon). Ito ay nagiging bahagi na rin sa kanilang buhay at sa pang-araw-araw na pangangailangan. Sa pananaw naman ni Mencher (1997) ang media ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad at pagpaginhawa ng modernong sibilisasyon sa pamamagitan ng mabilis na pagkalat ng mga impormasyon sa publiko. Talahanayan l. Mga produktong higit na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng UZ, WMSU, SCC at ZSCMST (N=200) Produkto Frequency Percentage Rank 1. Safeguard (Bath Soap) * 130 65.0 1st 2. Colgate (Toothpaste) * 94 47.0 2nd 3. . Maggi (Noodles) * 91 45.5 3rd 4. Biogesic (Medicine Tablet) * 90 45.0 4th 5. Clear (Shampoo) * 78 39.0 5th 6. Close Up (Toothpaste) 75 37.5 6th 7.Head & Shoulder (Shampoo 63 31.5 7th 8. Bear brand (Powdered Milk) 47 23.5 8th 9.. Medicol (Medicine Tablet) 37 18.5 9th 10. Palmolive (Shampoo) 35 17.5 10th 11. Neosep ((Medicine Tablet) 29 14.5 11th 12 Silka Papaya (Beauty Soap) 26 13.0 12th 13. Quickchow (Noodles) 21 10.5 13th 14. Hapee (Toothpaste) 20 10.0 14th 208 JPAIR Multidisciplinary Research 15 Fitrum (Fitness Vitamin) 19 9.5 15.5th 16. Palmolive (Bath Soap) 19 9.5 15.5th 17. Chippy (Snack Curls) 17 8.5 17th 18 Bioderm (Bath Soap) 14 7.0 18th 20.Rejoice (Shampoo) 13 6.5 19.5th 21. Pantene (Shampoo) 13 6.5 19.5th 22. Arthro (Supplementary) 12 6.0 21st 23. Stick O (Rolled Candy) 6 3.0 23rd 24. Whiter (Toothpaste) 2 1.0 24th Legend: Ang limang produkto na napili ng mga mag-aaral ay nilalagyan ng * Astires upang malaman kung alin ang una at hanggang panglimang produkto ng kanilang tinatangkilik. Pangalawang Katanungan: Anu-ano ang mga gamiting ekspresyo ng wikang adbertaysment at pagtangkilik sa produkto ayon sa: Epektibong mga expresyon ginagamit sa panghihikayat, Malinaw ang paglalarawan sa produktong iniindorso,Kaakit-akit (malakas ang paghihikayat o pang-enganyo sa madla Kapanipaniwala ang sinasabi tungkol sa produktong iniindorso. Katanungan # 2. Anu-ano ang mga gamiting ekspresyon ng wikang adbertaysment na mga tinatangkilik na mga produkto Ekspresyon ng Wika sa Adbertaysment sa Limang Produkto na Epektibo Talahanayan 2. Ranking sa Ekspresyon ng Wika sa Adbertaysment sa Limang Produkto na Epektibo (N=250) Ekspresyon Frequency Rank “Pang Protection ng Balat”(skin germs protection) 206 1st “Pang Protection ng Mabahong Amoy”( Protection in perspiration odor) 191 2nd “Great Mint Taste Freshens Breath” 191 2nd “Strengthens hair to reduce breakage” 189 3rd “nangunguna sa Protection ng Balat”( Excelence skin germs protection 188 4th “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng kati-kati sa katawan i”(proven effective in removing skin germs that cause skin infection) 186 5th “Work from the outside and from the inside” 181 6th 5th “No dandruff 180 7th 209 International Peer Reviewed Journal “Unique Formula Fight Cavities on Teeth & Exposed Roots” 180 7th “Hair fall Defense” 179 8th “Pangpaputi ng Ngipin” (Whiten teeth) 178 9th “Pagtulong sa Pagunlad ng Pamilya na Malusog”(help promote your family health 176 10th “ Anti dandruff 171 11th “Gamut ng sakit ng Ulo” 170 12nd “Maximum Cavity Protection” 167 13th “Maximum Cavity Protection” 167 13th “Pangpatibay ng Ngipin” (Streathen teeth) 163 14th “Safe Ito” 161 15th “HMMMM Ang Sarap” 160 16th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 158 17th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 158 18th “Most Suitable for Breakfast” 148 19th “MMMMMy Super Sarap” 140 20th Inlahad sa talahanayan 3 ang ranking ng ekspresyon ng wikang ginamit sa limang (5) tinatangkilik na produkto ayon sa pagiging malinaw. Sa limang mga ekspresyon nangunguna pa rin ang pamproteksyon ng balat “ na may dalawandaan anim napung (206) mga respondents ang tumatangkilik. Pumapangalawa ay may parehong bilang na tumatangkilik sa ang “Proteksyon ng ng mabahong amoy” ng safeguard at “Great Mint Taste Freshens Breath” ng Colgate na may sandaan siyamnaput-isa (191 mga respondents. Pumapangatlo ang “Strengthens hair to reduce breakage dahil nakakuha ito ng sandaanwalungpu’tsiyam 189 na mga kalahok .Nangunguna sa proteksyon ng balat ang safeguard soap. Pang-apat naman ang ekspresyong ,Napatunayan na epektibo sa pantanggal ng dumi na may sadaanwalungpu’twalo (188) ang mga kalahok ang tumatangkilik. Panlima anaman ang “Napatunayan na Epektibo sa pagtanggal ng kati-kati sa katawan i”(proven effective in removing skin germs that cause skin infection) safeguard bath soap , na may swadaawalumpu’t anim (186) na mga respondents ang tumatangkilik. 210 JPAIR Multidisciplinary Research Talahanayan 3. Ranking sa Ekpresyong ng Wika sa Adbertaysment sa Limang Produktong Malinaw (N=250) Ekspresyon Frequency Rank “Pang Protection ng Balat” (skin germs protection) 192 1st “Pang Protection ng Mabahong Amoy” ”( Protection in perspiration odor) 185 2nd “Excellence sa Protection sa Balat” ”( Excelence skin germs protection 181 3rd “Super Sarap” 181 3st “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng Dumi” ”(proven effective in removing skin germs that cause skin infection) 179 4th “Strengthens hair to reduce breakage” 176 5st “MMMMMy Super Sarap” 174 6nd “No dandruff” 171 7nd “Great Mint Taste Freshens Breath” 168 8tth “Unique Formula Fight Cavities on Teeth & Exposed Roots” 168 8th “Work from the outside and from the inside” 166 9rd “ Anti dandruff 164 10th “Hair fall Defense” 163 11th “Pangpatibay ng Ngipin”” streathen teeth) 160 12rd “Maximum Cavity Protection” 159 13th “Pangpaputi ng Ngipin” (whithen teeth) 157 14th “Kahit Walang Laman ang Tiyan” 157 14th “Pueding Uminum Kahit Walang Pang Kain” 151 15th “Gamut ng sakit ng Ulo” 150 16th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 145 17th “Safe Ito” 144 18th Talahanayan 4. Ranking ng Ekspresyon ng Wika sa Advertasyement sa Limang Produktong Kakit-akit (N=250) Expression Frequency Rank “Pang Protection ng Balat”( skin germs protection) 187 1st “Strengthens hair to reduce breakage” 181 2nd “ Anti dandruff 178 3rd “Pagtulong sa Pagunlad ng Pamilya na Malusog” 175 4th “Excellence sa Protection sa Balat”( excellence in skin germs protection) 175 4th “Great Mint Taste Freshens Breath” 174 5st “Pang Protection ng Mabahong Amoy” 174 5h 211 International Peer Reviewed Journal “Super Sarap” 174 5st “Work from the outside and from the inside” 174 5 “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng Dumi” (proven effective in removing skin germs protection) 168 6th “Pangpaputi ng Ngipin”(whithen teeth) 167 7nd “no dandruff” 162 8th “Hair fall Defense” 158 9th “HMMMM Ang Sarap” 157 10th “Kahit Walang Laman ang Tiyan” 156 11st “Gamut ng sakit ng Ulo” 153 12th “Pueding Uminum Kahit Walang Pang Kain” 153 12th “Unique Formula Fight Cavities on Teeth & Exposed Roots” 154 13rd “Most Suitable for Breakfast” 152 14th “Maximum Cavity Protection” 151 15th “MMMMMy Super Sarap” 151 15th “3 Minuto Lang May Super Sarap Maggie Ka Na” 147 16th “Pangpatibay ng Ngipin” (steangthen teeth) 145 17th “Safe Ito” 140 18th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 136 19th Pumapangalawa ang “Strengthens hair to reduce breakage”ng clear shampoo na may sandaan walumpu’t isa (181) kalahok naman, “ Anti dandruff” Talahanayan 5. Ranking ng Ekspresyon ng Wika sa Advertasyement sa Limang Produktong (kapani-paniwala ) (N=250) Expression Frequency Rank “Pang Protection ng Balat” (skin germs protection) 1st 184 “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng Dumi”(proven effective in removing skin germs that cause skin infection) 181 2nd “Excellence sa Protection sa Balat”(Excellence skin germs protection) 178 3rd “Strengthens hair to reduce breakage” 177 4sth “Hair fall Defense” 168 5th “Pagtulong sa Pagunlad ng Pamilya na Malusog”(help promote your family heath) 167 6th “Pangpatibay ng Ngipin” (streangthen teeth) 166 7st “Great Mint Taste Freshens Breath” 165 8th 212 JPAIR Multidisciplinary Research “Unique Formula Fight Cavities on Teeth & Exposed Roots” 165 8th “Kahit Walang Laman ang Tiyan” 164 9th “no dandruff” 163 10tth “Pueding Uminum Kahit Walang Pang Kain” 162 11nd “Work from the outside and from the inside” 160 12tth “ Anti dandruff 159 13th “Pangpaputi ng Ngipin”(whithen teeth) 158 14th “MMMMMy Super Sarap” 158 14th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 153 15rd “Most Suitable for Breakfast” 152 16th “Maximum Cavity Protection” 150 17th “Gamut ng sakit ng Ulo” 148 17th “3 Minuto Lang May Super Sarap Maggie Ka Na” 148 17th “Safe Ito” 148 17th Makikita sa talahanayan 6 ang wikang ginagamit sa limang produktong tinatangkilik ng mga respondents. Sa kabuuang ang katangian ng pagiging epektibo. malinaw, kaakit-akit at kapani-paniwala, ipinahahayag na sa limang produkto ang ekspresyong ang ‘pang proteksyon ng balat (skin germs protection) ng safeguard ang tinatangkilik ng mga mag-aaral respondents dahil ito ang nangunguna sa rank 1. Sumunod ang ekspresyong na nasa rank 2 ang “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng Dumi”(proven effective in removing skin germs that cause skin infection” na tinatangkilik ng mg respondents Pangatlo sa rank 3 ang Excellence sa Protection sa Balat”(Excellence skin germs protection). Pang-apat sa rank ang Strengthens hair to reduce breakage”. Ang panglima ay ang “Hair fall Defense ang mga respondents na gumagamit. Epektibo, malinaw, kaakit-akit at kapani-paniwala ang mga produktong nabanggit sa talahanayan dahil nabigyan diin sa limang produkto ang limang gamit ng adbertaysment ayon kay Boston (2004) sumasagot sa matinding pangangailangan ng mamimili, sumasagot sa kagustuhan ng mamimili, mapang-akit at makatotohanan ang mensaheng ipinaaabot ng produkto; nababatid ng ahe o impormasyon ng mga bagay na tatangkilikin. 213 International Peer Reviewed Journal Talahanayan 6. Paglalagom sa mga Ranking sa Ekpresyons sa Wikang Adbertaysment Sa Limang Produkto (N=250) Ekspresyon Katangian ng Mabuting ekspresyon Epektibo Malinaw Kaakit-akit Kapani-paniwala F R F R F R F R 1. Rich Maggi Noodles “Super Sarap” 179 1st 181 1st 174 1st 158 1.5th “MMMMMy Super Sarap” 140 5th 174 2nd 151 4th 158 1.5th “Most Suitable for Breakfast” 148 4th 158 4th 152 3rd 152 4th “3 Minuto Lang May Super Sarap Maggie Ka Na” 169 2nd 165 3rd 147 5th 148 5th “HMMMM Ang Sarap” 160 3rd 157 5th 157 2nd 155 3rd 2. Safeguard (Bath Soap) “Pang Protection ng Balat”(skin germs protection) 206 1st 192 1st 187 1st 184 1st “Napatunayan na Epektibo sa Pagtanggal ng Dumi”(Proven effective in removing skin germs protection) 186 4th 179 4th 168 5th 181 2nd “Excellence sa Protection sa Balat”(excellence skin germs protection) 188 3rd 181 3rd 175 2.5th 178 3rd “Pagtulong sa Pagunlad ng Pamilya na Malusog”( help promote your family health) 176 5th 170 5th 175 2.5th 167 5th “Pang Protection ng Mabahong Amoy” (Protection in perspiration odor) 191 2nd 185 2nd 174 4th 168 4th 3. Clear Shampoo “ Anti dandruff 171 5th 164 4th 178 2nd 159 5th “Strengthens hair to reduce breakage” 189 1st 176 1st 181 1st 177 1st “Hair fall Defense” 179 4th 163 5th 158 5th 168 2nd “no dandruff” 180 3rd 171 2nd 162 4th 163 3rd “Work from the outside and from the inside” 181 2nd 166 3rd 174 3rd 160 4th 4. Colgate (Toothpaste) “Maximum Cavity Protection” 167 4th 159 4th 151 4th 150 5th “Great Mint Taste Freshens Breath” 191 1st 168 1.5th 174 1st 165 2.5th “Unique Formula Fight Cavities on Teeth & Exposed Roots” 180 2nd 168 1.5th 154 3rd 165 2.5th “Pangpatibay ng Ngipin” 163 5th 160 3rd 145 5th 166 1st “Pangpaputi ng Ngipin” 178 3rd 157 5th 167 2nd 158 4th 5. Biogesic “Gamot ng sakit ng Ulo” 170 2nd 150 3rd 153 2.5th 148 4.5th 214 JPAIR Multidisciplinary Research “Pueding Uminum Kahit Walang Pang Kain” 167 3rd 151 2nd 153 2.5th 162 2nd “Kahit Walang Laman ang Tiyan” 177 1st 157 1st 156 1st 164 1st “Safe Ito” 161 4th 144 5th 140 4th 148 4.5th “Laging Daladala kahit Saan Pumupunta” 158 5th 145 4th 136 5th 153 3rd 3.Alin sa mga ekspresyons sa adbertaysment ang nakakaakit sa mga mamimili? Ang interpretasyon kung alin sa ekspresyon ng adbertaysment ang nakakaakit sa mga sa mg respondents ay ang mga ekspresyon ng produktong safeguard na mga ekspresyon na may halong salitang hiram. Ito yung tinatawag na code switching. Mula sa mga datos na nakalap, iniinterpret at nasuri, natuklasan na ang limang ekspresyon ng wikang nakakuha ng pinakakamataas na rank ay katulad na lamang ng pangproteksyon ng balat, pangproteksyon ng mabahong amoy, “ excellence sa proteksyon sa balat, Strengthens hair to reduce breakage, Hair fall Defense, at mga salitang payak at mapapansin na ang mga ekspresyong nangunguna ay ang mga ekspresyon sa pangangalaga ng pangangatawan. Dahil ito ang unang pangangailangan ng mga respondents at ito rin ay epektibo, malinaw kaakit-akit at kapani- paniwala na mga ekspresyon para sa mga mamimili. Unang-una ang ekspresyon ng mga produktong nabanggit ay paulit-ulit na lumalabas sa media, lalong-lalo na sa telebisyon, na umaayon ito sa teorya ni Mencher (1997) na ang media ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad at pagpapaginhawa sa modernong sibilisasyon na may kaugnayan sa pang-araw-araw na gamit nga tao.ang produktong binanggit ay umaayon sa layunin ng media sa pagiging makatotohanan, tiyak at malinaw kung para kanino ang adbertayesment. Gumagamit ng mga salitang nagungumbinsi. KONGKLUSYON Ang mga ekspresyon ginagamit sa adbertaysment ng mga produkto ay epektibo, malinaw kaakit-akit at kapani-paniwala dahil sumasagot ang mga ito sa matinding pangangailangan ng mamimili. Sumasagot din ang mga ito sa kagustuhan ng mamimili at umaayon sa kanilang panlasa. Mapag-akit at makatotohanan ang mensaheng ipinaabot ng produktong nagbibigay diin ng maliwanag na larawan ng mga bagay na iniindorso at nailalarawan din ng mga adbertaysment ang katumpakan sa pagbabatid ng 215 International Peer Reviewed Journal mensahe o impormasyon ng mga bagay na tatangklikin. Dahil sa mga ekspresyon na payak at mga salitang may halong hiram o code switching at mga salitang madaling maunawaan lalong na na sa mga kabataan dahil sila ang pangunahing mga kalahok sa pag-aaral na ito. At ang mga produktong higit na kanilang tinatangkilik ay may kaugnayan sa kalusugan at sa pang-araw-araw na panganga- ilangan . BIBLIOGRAPIYA Arens, William F. 1992 Contemporary Advertisement United State of America Bores, F.J. (2000). Globalization and Advertising : Issues and Concerns. Prentice Hall. Bestmont, Darick T. Advertising in the American Setting ; New York Publications, USA (1996) Boston, Irwin Mc. Graw Hill 2004 xvv, Chunawalla, Sethia. 1985. Foundations of Advertising Theory and Advertising. Bombay : Himalaya Publishing House. Irwin, Richard D. Case in Advertisement and Promotion Management Publishing Division : Harbard Buseness School , Boston MA. Printed in United State of America (1999) Kalidas, V. 1999. India Advertising all through the Post- Independence era” in The Hindu, August 15, 1999 Gopal, W.L ( 1989 ) The Indian Advertising and Effects to Populace. India Publishing Company