53 Isang Pagsisiyasat sa mga Akdang Pampanitikan sa Ikaapat na Antas ng Batsilyer ng Elementarya at Edukasyon sa Paglinang ng mga Pilosopiyang Likas at Pagpapahalagang Moral na Ginagamit sa Pagtuturo sa Pamantasan ng Cabuyao ROMMEL MALLARI http://orcid.org/0000-0003-0751-3696 rdmallari5@gmail.com Pamantasan ng Cabuyao City of Cabuyao, Philippines EDWIN PAMING http://orcid.org/0000-0002-3104-1927 Pamantasan ng Cabuyao City of Cabuyao, Philippines Originality: 100% • Grammar Check: 98% • Plagiarism: 0% ABSTRACT Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang maalaman ang “Isang Pagsisiyasat sa mga Akdang Pampanitikan sa Ikaapat na Antas ng Batsilyer ng Elementarya at Edukasyon sa Paglinang ng mga Pilosopiyang Likas at Pagpapahalagang Moral na Ginagamit sa Pagtuturo sa Pamantasan ng Cabuyao.” Lahat ng tao ay may natatanging karanasan sa buhay at ang karanasang ito ang siyang batayan ng kanilang pananaw sa mundo. Ang kanilang pananaw sa mundo ang siya ring bumubuo sa kanilang pilosopiya. Kaya ang pilosopiya ay walang iba kundi ang kabuluhan ng daigdig para sa tao. Ito ang kanyang pagpapaliwanang at Vol. 42 · October 2020 DOI: https://doi.org/10.7719/jpair.v42i1.808 Print ISSN 2012-3981 Online ISSN 2244-0445 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License. http://orcid.org/0000-0003-0751-3696 mailto:rdmallari5@gmail.com mailto:dmallari5@gmail.com http://orcid.org/0000-0002-3104-1927 https://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/ https://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/ 5454 JPAIR Multidisciplinary Research pagpapakahulugan sa mga pangyayari sa buong sanlibutan. Keywords — Pagsisiyasat, Pampanitikan, Moral PANIMULA Ang mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik at papandawin ang mga katiyakang suliranin kagaya ng mga sumusunod 1. Gagamitan ng pakikipagpanayam pangangalap ng mga katanungan para sa mga respondenteng mag-aaral at guro. 2. Ihahanda ang mga balidasyon para sa mga katanungan. 3. Pagtitibayin ang mga katanungan sa pag-uugali at kilos ng mga magiging kalahok. 4. Pakasusuriin ang mga datos sa pamamagitan ng bilango “Frequency counts”at mga itutumbas na kaantasan, gayundin ang kukuhanin na bahagdan sa bawat talaan. 5. Gagamitan ng chi-square Ang pilosopiyang buhay ng mga taong-bayan ay matutunghayan sa kanilang literatura o panitikan, maging ito man ay isinulat o salim-bibig. Nakahabi ang karanasan at pag-iisip ng mga tao sa kanilang mga mito, at leyenda o alamat, tula, epiko, awit, paniniwala, bugtong, seremonya, kaugalian, katutubongsayaw, salawikain, kasabihan, aporismo, dung-aw, kuwentong-bayan, nobela, sarsuwela, pasyon, komedya, kurido, duplo, senakulo, dula, balagtasan, atbp. Ang mga pilosopikong pagninilaynilay ng mga kasalukuyang dalub-aral at manunulat, mga dalubgurong pilosopiya at iba’tibang dalubhasaan at pamantasan sa bansa ay siyang mayamang bukal ng mga pag-iisip at pananaw. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa matatandang katutubo tungkol sa kanilang mga karanasan at pananaw sa mundo ay makahihinuhang katutubong pilosopiya sa buhay ng mga taong-bayan. Mahihinuha ang paraan ng pag-iisip ng isang tao mula sa kanyang mga salita at mga kilos sa pagkatang mga salita at mga kilos ay mga bunga ng kaisipang-tao. Kaya sa pamamagitan ng pagmumunimuni’t pag-aanalisa sa mga wika at kaugalian ng mga Filipino ay malalaman ang kaisipang Filipino. Research Design Ang pananaliksik ay bibigyang pansin sa pamamagitan ng makabuluhang pagsisiyasat ng pag-aaral, upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa konseptong pagpapahalagang moral at Pilosopiyang Likas sa mga Pilipino, na maaaring hangarin mula sa mga akdang pampanitikan at tuloy maisagawa ito nang mabisa. 5555 International Peer Reviewed Journal Ayon kay Best, ang pananaliksik ay naglalarawan at nagpapakahulugan. Ito ay may kinalaman sa ugnayan ng mga kalagayang umiiral, mga gawaing nananatili, mga paniniwala at prosesong isinasagawa, ang bisang nadarama o mga kalarang patuloy na pinauunlad.. Gagamit din ng pakikipanayam, pagmamasid at pangangalap ng mga katanunganang mananaliksik sa mga respondent upang matiyak ang katotohanan ng kanilang kasagutan sa palatanungang ipinasagot sa kanila. Lagom 1. Uri ng panitikan na hinango sa batayang aklat at sa mga karagdagang babasahin ang kinawiwilihan ng mga mag-aaral at gurong nag tuturo nito; • Sa limampung mag-aaral na sumagot para sa pagsisiyasat na ito, may sagot na lubos na kinawiwilihan sa uri ng panitikan na pabula, bugtong, alamat at kwento/maikling katha. Sa pangkalahatan, nakakuha ng grand mean na 3.28 na nangangahulugang kinawiwilihan ng mga mag-aaral ang mga uri ng panitikan na ginagamit ng mga guro. 2. Mga kinawiwilihang uri ng panitikan, anu-anong pagpapahalagang moral at kalikasang pilosopiyang pilipino ang nahinuha ng mga mag-aaral; • Sa limampung mag-aaral na sumagot para sa pagsisiyasat na ito, may sagot na lubos na kinalulugdan sa uri ng babasahing pampanitikan na katatawanan, iba’t-ibang laro at pag-ibig. Sa pangkalahatan, nakakuha ng grand mean na 3.35 na nagiinterpreta ng kinalulugdan ng mga mag-aaral ang mga uri ng babasahing pampanitikan. 3. Mga pamamaraan na ginagamit ng guro upang maging mabisa ang pagtuturo ng panitikan at mapalutang ang pagpapahalagang moral na dapat matutuhan sa mga akdang pinag-aaralan; • Ang grand mean sa paraang ginagamit ng guro upang maging epektibo ang pagtuturo ng panitikan ay 3.72 na nagiinterpreta ng lubos na kinalulugdan. Nagpapahiwatig ito na lubos na kinalulugdan ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng batsilyer sa elementarya ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ang mga pamamaraang ginagawa ng mga guro upang maging epiktibo ang pagtuturo ng panitikan. 4. Pagpapahalagang moral at kalipunan ng mga pananaw tungkol sa kalikasan ng buhay; 5656 JPAIR Multidisciplinary Research 4.1 katapatan • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa katapatan sa ika-apat ng taon sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.625 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng pamantasan ng cabuyao ang pagiging matapat. 4.2 pagiging magalang • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagiging magalang sa ika-apat ng taon sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.685 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng pamantasan ng cabuyao ang pagiging magalang. 4.3 pagiging matulungin at pakikisama • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagiging matulungin at pakikisama sa ika-apat ng taon sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.53 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng pamantasan ng cabuyao ang pagiging matulungin at pakikisama. 4.4 pagiging masunurin • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagiging pagiging masunurin sa ika-apat ng taon sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.60 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag- aaral ng batsilyer n edukasyon ng pamantasan ng cabuyao ang pagiging masunurin. 4.5 malasakit sa kapwa • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa 5757 International Peer Reviewed Journal malasakit sa kapwa sa ika-apat na antas sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.73 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng batsilyer ng edukasyon ng pamantasan ng cabuyao ang malasakit sa kapwa. 4.6 pagtanggap ng pagkatalo • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagtanggap ng pagkatalo sa ika-apat na antas sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.64 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng batsilyer ng edukasyon ng pamantasan ng cabuyao ang pagtanggap ng pagkatalo. 4.7 pagmamahal sa bansa • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagmamahal sa bansa sa ika-apat na antas sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.41 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng batsilyer ng edukasyon ng pamantasan ng cabuyao ang pagmamahal sa bansa. 4.8 tiwala sa sarili • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa tiwala sa sarili sa ika-apat na antas sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.56 na nangangahulugang lubos na isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral ng batsilyer ng edukasyon ng pamantasan ng cabuyao ang tiwala sa sarili. 4.10/5 pagiging malinis at maayos • Nagpapakita ng mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa pagiging malinis at maayos sa ika-apat na antas sa batsilyer ng edukasyon ay may grand mean na 3.56 na nangangahulugang 5858 JPAIR Multidisciplinary Research isinasagawa. Nagpapahiwatig ito na isinasagawa ng mga mag-aaral ng batsilyer ng edukasyon ng pamantasan ng cabuyao angpagiging malinis at maayos. 5. Uri ng panitikan ang mabisang nakakaantig sa pananaw ng moralidad ng mga mag-aaral; 5.1 talaan ng mga pagpapahalang pilipinong moral • Mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaaring isagawa ng mga mag-aaral ay may grand mean na 3.664 na nangangahulugang lubos na kinawiwilihan. Nagpapahiwatig ito na ang mga mag-aaral sa ikaapat na antas sa batsilyer ng elementarya ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ay lubos na kinawiwilihan ang mga talaan ng mga pagpapahalagang moral. 5.2 mga pilosopiyang likas para sa mga pilipinong mag-aaral • Mga kalinangang pilosopiyang likas sa mga pilipinong mag-aaral na siyang kinaangkinan ng pagpapahalagang moral na naituro na ng mga guro ay may grand mean na 4.116 na nangangahulugang sumasang- ayon. Nagpapahiwatig ito na ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas sa batsilyer ng elementarya ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ay sumasang-ayon ang mga mga pilosopiyang likas para sa mga pilipinong mag-aaral. 6. Malaman ang kaugnayan ng akdang pampanitikan sa pagpapahalagang pilipinong moral ng mga mag-aaral; • Nagpapakita ng signipikong kauganayan ng akdang pampanitikan sa pagpapahalagang pilipinong moral. Sa katapatan at pagiging magalang ay may signipikong kaugnayan ng akdang pampanitikan sa pagpapahalagang pilipinong moral batay sa pagiging matulungin, pagiging masunurin, malasakit sa kapwa, pagtanggap ng pagkatalo, pagmamahal sa bansa, tiwala sa sarili, pagiging masipag at pagiging malinis at maayos. 7. Malaman ang kaugnayan ng akdang pampanitikan sa kalikasang pilosopiyang pilipino na mga nahinuha ng mga mag-aaral; • Nagpapakita ng signipikong kauganayan ng akdang pampanitikan sa kalikasang pilsopiyang pilipino. Sa kalikasang pilosopiyang pilipino, ay 5959 International Peer Reviewed Journal may signipikong kaugnayan ng akdang pampanitikan sa kalikasang pilosopiyang pilipino. Ito ay nangangahulugan na may relasyon ang pagsagot ng mga mag-aaral sa ika apat na antas ng batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao sa mga librong ginagamit ng mga guro sa pampanitikan sa kalikasang pilosopiyang pilipino. 8. Malaman ang kaugnayan ng pagpapahalagang moral at kalikasang pilosopiyang pilipino ng mga mag-aaral. • Nagpapakita ng signipikong kauganayan ng akdang pampanitikan sa pagpapahalagang pilipinong moral. May signipikong kaugnayan ng pagpapahalagang pilipinong moral at kalikasang pilosopiyang pilipino batay sa katapatan at pagiging magalang, pagiging matulungin, pagiging masunurin, malasakit sa kapwa, pagtanggap ng pagkatalo, pagmamahal sa bansa, tiwala sa sarili, pagiging masipag at pagiging malinis at maayos. Nagpapakita rin na lahat ng null hypothesis ay di- dapat tanggapin at nagpapakita na may kaugnayan ang kaliskasang pilosopiyang pilipino sa pilipinong moral. Ito ay nangangahulugan na walang relasyon ang pagsagot ng mga mag-aaral sa ika apat na antas ng batsilyer ng elementarya ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao sa mga librong ginagamit ng mga guro sa pampanitikan sa pagpapahalaga ng pilipinong moral at kalikasang pilosopiyang pilipino. KONKLUSYON 1. Pinakamarami sa mga mag-aaral sa ikaapat na antas sa batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ay sumagot ng lubos na kinawiwilihan ang pabula, alamat, bugtong at kwento/maikling katha. Sa pangkalahatan ay sumagot ng kinawiwilihan ang mga uri ng panitikan. 2. Lubos na kinalulugdan ng mga mag-aaral sa ikaapat na antas sa batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao uri ng babasahing pampanitikan na katatawanan, iba’t-ibang laro at pag-ibig; samantalang kinalulugdan ng mga mag-aaral ang iba pang uri ng babasahing pampanitikan. 3. Lubos na kinalulugdan ang sagot ng mga mag-aaral sa paraang ginagamit ng guro upang maging epektibo ang pagtuturo ng panitikan. Ito ay nangangahulugang lubos na kinalulugdan ng mga mag-aaral sa ikaapat na antas ng batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ang mga paraang ginagamit ng guro upang maging epektibo sa pagtuturo ng panitikan 6060 JPAIR Multidisciplinary Research 4. Lubos na isinasagawa ng mga mag-aaral sa ikaapat na antas ng batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao ang mga pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa mga akdang pampanitikan na maaring isagawa ng mga mag-aaral batay sa katapatan, pagiging magalang, pagiging matulungin at pakikisama, pagiging masunurin, malasakit sa kapwa, pagtanggap ng pagkatalo, pagmamahal sa bansa, tiwala sa sarili at pagiging masipag; samantala isinasagawa ng mga mag-aaral ang ma pagpapahalagang pilipino na matatagpuan sa akdang pampanitikan batay sa pagiging malinis at maayos. 5. Lubos na kinawiwilihan ng mga mag-aaral ang mga pagpapahalagang pilipinong moral na napupuot na aral sa akdang pampanitikan. Ito ay nangangahulugang lubos na kinawiwilihan ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao. Habang sa mga pilosopiyang likas ay may resultang sumasang-ayon. Ito ay nangangahulugang sumasang-ayon ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng batsilyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao sa mga kalikasang pilisopiyang pilipino. 6. May signipikong kaugnayan ng akdang pampanitikan sa pagpapahalagang pilipinong moral batay sa katatapatan, pagiging magalang, pagiging matulungin, pagiging masunurin, malasakit sa kapwa, pagtanggap ng pagkatalo, pagmamahal sa bansa, tiwala sa sarili, pagiging masipag at pagiging malinis at maayos. 7. May signipikong kaugnayan ng akdang pampanitikan sa kalikasang pilosopiyang pilipino. Ito ay nangangahulugan na may relasyon ang pagsagot ng mga mag-aaral sa ika apat na antas ng batsileyer ng edukasyon sa pamantasan ng cabuyao sa mga librong ginagamit ng mga guro sa pampanitikan sa kalikasang pilosopiyang pilipino. 8. May signipikong kaugnayan ng pagpapahalagang pilipinong moral at kalikasang pilosopiyang pilipino batay sa katapatan at pagiging magalang, pagiging matulungin, pagiging masunurin, malasakit sa kapwa, pagtanggap ng pagkatalo, pagmamahal sa bansa, tiwala sa sarili, pagiging masipag at pagiging malinis at maayos.   REKOMENDASYON 1. Ang mga guro ay nararapat na gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapayaman ng kanilang kaalaman sa pampanitikan lalong lalo na sa pagpapahalagang 6161 International Peer Reviewed Journal Pilipinong moral sa kadahilanang ang mga mag-aaral sa pagsisiyasat na ito ay magiging guro na isang taon mula ngayon. 2. Mahalaga ding mabigyang-pansin ng guro ang pagpili ng uri ng babasahin pampanitikan, hindi lamang puro katatawanan, iba’t-ibang laro ta pag-ibig datapwat pumili ng mga babasahing maraming mapupulot na aral. Sana rin ay lubusang maisagawa ang pagiging malinis at maayos ng isang mag-aaral. 3. Kailangang mabigyang motibasyon at hikayatin ng guro ang mga mag- aaral sa pagtangkilik sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan lalo na ang maka-relihiyon. 4. Ang pagiging malikhain ng guro sa pagtuturo ng panitikan ay napakahalagang salik sa pagkatuto at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagharap sa mga sitwasyon sa realidad. 5. Mahalaga rin kung magkakaroon ng patuloy na ugnayan at komunikasyon ang guro sa mga magulang ng mga mag-aaral upang maparating ang kahalagahan ng kanilang suporta upang maging matagumpay ang mga mag- aaral sa kanilang mga pagpupunyagi. 6. Ang pagsasagawa ng seminar o workshop na makatutulong upang mapalago pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa akdang pampanitikan, pagpapahalagang pilipinong moral at kalikasang pilosopiyang pilipino.   LITERATURE CITED Linio A. Honorio, Panitikan at Kristyanismong Pilipino, 1977 Alejandro G. Abadilla, Panitikan, 1974 Dr. Ramon C. Reyes, Moral Reflection, 1987 Saligang Batas 1987, Artikulo 14 Dr. Florentino T. Timbreza, 1982, Pilisopiyang Pilipino Dr. Ramon C. Reyes, Dalubguro ng Pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila, 1985 ( Uri ng pagtuklas sa pananaw ng Pilipino) Dr. Emerito S. Quito, 1987, Aklat-Pampilosopiya sa Pambansang wika sa pinamagatang “Pilosopiyang sa Diwa Filipino” 6262 JPAIR Multidisciplinary Research Leonardo N. Mercado, Paraan ng pag-iisip at pag-uugali ng mga taong bayan (Applied Filipino Philosophy), 1977 Dr. Manuel B. Dy, Ang mga Pilipino ay may Kasaysayan (Philosophy of Man: Selected Readings), 1986 Dr. Romualdo Abulad, Dalubguro ng pilosopiya sa Pamantasang De La Salle, Pilosopiyang Pilipino ay ang kabuuan o kalipunan ng lahat ng akda, Contemporary Filipino Philosophy, 1988 Fr. Quintin Terrenal, SVD, Pilipinong palaisip at palaaral ang gumagawa ng kani- kanilang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa diwa’t pagkatao ng Pilipino, 1984 Dr. Florentino Hornedo, Towards and Hermeneutics of Pagmamahal and Pagumura, 1997 Leovino Garcia, The meaning of Human Being (Konsepto ng kalooban sa pamamagitan ng konsepto ng kalooban), 1997 Albert Alejo, Tao po! Tuloy! 1990